Bayan kong nakapako
Bayan kong nalilibutan ng bughaw na langit,
Sa likod ay pasan ang pasakit.
Bayan kong kay gandang tanaw,
Ngunit nakakabingi ang bawat hiyaw.
“Tama na po! Naghihintay po ang aking nanay at tatay!”
Hinaing ng kabataang takot at lantay.
Nakakabinging putok ng baril.
‘Tila ba tinatago ang sigaw ng paniningil.
“Kapayapaan! ‘Yan ang pangako ko sayo, bayan!”
Kapayapaan? Pangako? Nasaan? Ito ba ay kinalimutan?
Dumanak ang sandamakmak na luha at dugo.
Ngunit nauwi pa rin sa pagkakabilanggo.
0 Comments