(Photo courtesy of the Gerry Roxas Foundation) |
Ikaw-21 Agosto 1971 hinagisan ng dalawang Granada ang entablado kung saan ginaganap ang miting de avance sa Plaza Miranda. Kumitil ito ng siyam na buhay at nag iwan ng halos ilang daang sugatan. Kasunod ng pang-bobomba sa Plaza Miranda ay ang pagsuspinde ni Marcos sa privileged of the Writ of Habeas Corpus. Ibinintang ni Marcos ang pangbobomba na naganap sa Communist Party of the Philippines. Inamin naman ng nasabing grupo na sila ay nagpasimuno ng ilang pagpapasabog ngunit hindi ito naganap sa pagitan ng buwan ng Agosto hanggang Setyembre. Pahabol pa ng grupo, “. . . we did not bomb without reason . . . and we made sure no innocent bystanders got hurt.”
Ngunit
pira-piraso ng ebidensya ang nagpatunay na gawa ng militar na pinamumunuan ni
Marcos ang naganap na aksidente.
Sa isang
telegrama noong Setyembre 15, 1972 sa Departamento ng Estado ng Estados Unidos,
tinanong ni Byroade si Marcos kung pasupresa niya bang idedeklara ang Martial
Law. Ayon kay Byroade ang tugon ni Marcos ay, “no, not under present
circumstances. (Marcos) said he would not hesitate at all in doing so if the
terrorists stepped up their activities further, and to a new stage. He said
that if a part of Manila were burned, a top official of his government, or foreign
ambassador, assassinated or kidnapped, then he would act very promptly. He said
that he questioned Communist capability to move things to such a stage just
now.”
At
makalipas ang ilang araw, ika-22 ng Setyember 1972 inambush ang sasakyan kung
saan nakasakay si Enrile, isa sa mga naging opisyal ni Marcos bilang dating
Justice Secretary at Defense Minister noong panahon ng administraturang Marcos.
Nakasulat pa sa autobiograpiya ni Juan Ponce Enrile noong 2012 ang detalyadong
nangayari sa umano’y nangyaring pang-aambush sa kanyang sasakyan. Sinabi niya
roon, “A speeding car rushed and
passed the escort car where I was riding. Suddenly, it opened several bursts of
gunfire toward my car and sped away. The attack was so sudden that it caught
everyone by surprise. No one in the convoy was able to fire back.”
Sa taong 1986, sa sariling bibig at salita na mismo ni Enrile
nanggaling na ang ambus na naganap ay planado. Dito naliwanagan ang lahat ng
suspisyon na alam ni Enrile ang plano ni Marcos. Isinaad din ng dating media
man ni Marcos na si Primitivo Mijares ang sinabi ni Marcos kay Enrile sa tawag
bago mangyari ang pekeng aksidente. Sabi ni Marcos, “Make it look good.
Kailangan siguro ay may masaktan o kung mayroon mapatay ay mas mabuti. O, hala,
sige, Johnny, and be sure the story catches the Big News or Newswatch and call
me as soon as it is over.”
Naging mas matibay ang ebidensya na ginamit lamang ni Marcos
itong “aksidente” na ito upang ipatupad sa Marial Law. Makikita rin dito na
paunti-unting binubuo ni Marcos ang haligi na susuporta sa kanya; simula sa
pang-bobomba sa Plaza Miranda hanggang sa “aksidente” ni Enrile, upang
magkaroon ng dahilan upang mag deklara ng Martial Law sa ating bansa.
How Marcos Kept his Martial Law Plans a Secret – Diktadura –
The Marcos Regime Research. (2022, September 18). https://diktadura.upd.edu.ph/2022/09/18/how-marcos-kept-his-martial-law-plans-a-secret/)
0 Comments